MENU

 

Tatlong benepisyaryo ng SETUP o Small Enterprise Technology Upgrading Program ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya sa Rehiyon Dose (DOST XII) ang ginawaran ng teknolohiyang tulong sa pag upgrade ng kanilang negosyo kahapon.

 

Ang paggawad ng nasabing tulong ay isinagawa kasabay ng paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DOST XII at mga proponent sa katauhan nila Mr. Lysander Valdevieso ng Valdivieso Agri Trading ng Timog Cotabato, Mr. Diony P. Fajamolin of Diomrie Fruit Food Processing at Ms. Sheryl C. Capecio ng Messy Burger na kapwa mula sa SarGen na ginanap sa silid kumperensiya ng Philippine National Halal Laboratory and Science Center sa lungsod ng Koronadal.

 

Sa kanyang pambungad na mensahe, ipinahayag ni DOST XII Regional Director Engr. Sammy P. Malawan, CESE ang kanyang pagbati at pagkagalak sa mga napiling recipient ng nasabing programa ng kagawaran. Aniya, ang SETUP program ay flagship program ng DOST at ito ay complete package of assistance.

 

โ€œHindi lang po itong mga equipment na tulong namin, kundi kasama po dyan ang mga technology training, consultancy services, packaging and labelling pati ang laboratory services para maging kalidad ang iyong produkto.โ€ Pahayag ni RD Malawan.

 

Kanya ding binigyan diin na nakasaad sa MOA ang responsibilidad ng DOST at ganoon din ang mga responsibilidad ng mga benepisyaryo na siyang magsisilbing bibliya ng operasyon sa pagpapatakbo ng negosyo. Hinikayat din niya ang mga proponent na kung anuman ang magiging problema sa operasyon ay balikan ang MOA kung saan nakalagay ang mga alintuntunin. Dagdag pa niya na sa responsibility ay may kaakibat na accountability. Responsibilidad ng benepisyaryo ang pag implement ng nasabing tulong at accountability nila ang pangangalaga ng mga kagamitang tulong ng departamento.

 

Samantala, laking pasasalamat naman ni Ginoong Lysander Valdevieso ng Diomrie Fruit Food Processing na isa sa mga apat na benepisyaryo sa tulong na ibinigay ng nasabing kagawaran. Kanyang sinabi na pakaalagaan nila ang mga kagamitang teknolohiya na bigay ng DOST XII at kanilang palalaguin ang kanilang negosyo.

 

Ipinaliwanag naman ni Supervising SRS/OIC-Chief for TSD Engr. Szalinah S. Mercado ang mga nilalaman ng MOA kung saan nakasaad ang mga mahahalagang alintuntunin sa operasyon, pamamaraan ng pagrefund, mga legal na mga aspeto ng kasunduan at iba pang mahalalagang nilalaman ng nabanggit na MOA.

 

Ang Small Enterprise Technology Upgrading Program or SETUP ay flagship na programa ng DOST na naghihikayat at tumutulong sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na i-adopt ang teknolohiyang inobasyon para mapa-improve ang kanilang mga produkto, serbisyo at operasyon para tumaas ang kanilang productivity at competitiveness.

 

Pin It