MENU

 

Tampok sa pagdiriwang ng ika-107 na Anibersaryo ng Probinsya ng Cotabato ang mga produkto ng mga natulungang Micro-Small and Medium Enterprises (MSMEs) ng Department of Science and Technology 12 (DOST XII).

 

Bahagi ng pagdiriwang ng Kalivungan Festival ang North Cotabato’s Local Product Showcase “Buy Local, Go Global” na pormal na binuksan kahapon sa Kapitolyo, ika-31 ng Agosto.

 

Kabilang sa mga nakibahagi ang Gabriel Food Production and Processing; Dr. Alfred’s Essential Inc.; SJC Food Products na pawang mga benepisyaryo ng DOST- Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP).

 

Nauna ng naihayag ni DOST XII 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗗𝗶𝗿𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿 𝗦𝗮𝗺𝗺𝘆 𝗠𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻 na kabilang sa mga naipamahagi ng DOST sa mga MSMEs sa ilalim ng programa ay ang innovation system support fund na laan para sa mga kaukulang kagamitan at makinarya sa pag-upgrade ng proseso sa paggawa at pagtaas sa kalidad ng kani-kanilang produkto. Gayundin ang pagbigay sa mga benepisyaryo ng angkop na technology-trainings, consultancy services at iba pang interbensyon na may kinalaman sa agham, teknolohiya at inobasyon.

 

Sa kanyang mensahe, pinuri ni 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗼𝗿 𝗡𝗮𝗻𝗰𝘆 𝗖𝗮𝘁𝗮𝗺𝗰𝗼 ang DOST XII sa pagpapatupad nito ng mga programa, proyekto at aktibidades sa probinsya.

Binigyang-diin ng Gobernador na isa ang DOST XII sa mga ahensya ng gobyerno na masigasig sa pagsuporta sa pagpapatupad ng mga adhikaing naaayon sa Executive Order 70 “End Local Communist Armed Conflict (ELCAC)”.

 

Ayon kay Provincial Director Michael Mayo na personal na dumalo sa pagdiriwang at nagbahagi ng mga detalye sa pag-avail ng mga programa ng DOST para sa mga MSMEs, layunin ng ahensya na palawakin pa ang naaabot nito sa paghatid ng serbisyo publiko, hanggang sa mga kanayunan at liblib na lugar ng probinsya.

 

Magwawakas ang naturang simpleng pagdiriwang sa kabila ng pandemya na pinangunahan ng Office of the Provincial Governor sa ika-02 ng Setyembre.

 

 

May be an image of 1 person May be an image of fruit May be an image of 1 person
May be an image of food and text that says 'to OBAL! IEL luctio sing Û Dr. Alfred's Dr. Alfred' Essentials Inc. DEPARTMENT SCIENCE TECHNOLOGY XII COTABATO PROVINCE facebook.com/dost12CotabatoProvince' May be an image of bottle and indoor May be an image of 1 person and indoor

    

 

 

Pin It