MENU

 

Nobyembre 17, 2020 – Aktibong nakibahagi sa N.A.C. Caravan o Nagkakaisang Adhikain para sa Cotabateños Lokal Serbisyo Caravan ang mga kawani ng DOST XII- North Cotabato Office.

 

 

Naganap and aktibidad kanina, 17 Nobyembre 2020, sa Barangay Amabel, Magpet sa pangunguna ni Governor Nancy A. Catamco.

 

Kasama ang iba’t-bang ahensya ng gobyerno at local government units (LGUs), isinasagawa ng Provincial Government ang NAC Caravan sa mga tukoy na barangay na kabilang sa programang End Local Communist Armed Conflict o ELCAC alinsunod sa EO 70 ng Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Maliban sa pakikibahagi sa naturang aktibidad, isang oportunidad narin para sa mga kawani ng DOST na masuri ang komunidad para sa partikular at mas angkop na interbensyon nito sa aspeto ng kabuhayan, kalusugan, kaayusan at kinabukasan.

Pin It