MENU

 

Sinadyang bisitahin ni Engr. Sammy Malawan, DOST XII OIC-RD si Congressman Jose “Pingping’ Tejada kahapon ng hapon, 27 October 2020 sa M’lang upang personal at pormal na ilahad ang mga plano at layunin ng ahensya sa ikatlong distrito ng North Cotabato.

 

“I strongly support DOST and I appreciate the current approach na mas napapadalas na ang pagbaba ninyo sa mga kumunidad at mismong paglapit sa mga LGUs and legislative bodies for partnership sa kabila ng pandemic towards common good,” ani Cong. Tejada.

 

Kabilang sa mga napag-usapan ang mga kasalukuyang interventions ng DOST XII na may kinalaman sa pangkalahatang kaunlaran sa aspeto ng kaalaman at kinabukasan, kabuhayan, kalusugan, kaayusan at kaligtasan.

 

Ilan sa mga proyekto ng DOST XII na pinuri ni Cong. Tejada ay ang STARBOOKS o Science and Technology Academic and Research-Based Openly-Operated Kiosk Station na gawa ng DOST-STII. Ito ay kilala bilang kauna-unahang ‘digital library’ sa Pilipinas at naturingang ‘library in a box’ na nagagamit kahit walang internet connection. Bagay na ikinatuwa ng Congressman dahil aniya isa sya sa mga mambabatas na isinusulong ang kapakanan ng mamamayan sa larangan ng kaalaman lalo na ng mga estudyante at kabataan lalo’t hindi lahat ng lugar sa North Cotabato ay naaabot ng internet.

 

Nabanggit din sa naturang meeting ang iba pang programa, proyekto, serbisyo at aktibidad ng DOST XII na naaangkop sa ikatlong distrito ng probinsya gaya na lamang ng RxBox, DOST-Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP); Innovation for Filipinos Working Distantly from the Philippines (iFWD PH) at marami pang iba.

 

Naikwento din ni DOST XII Provincial Director Michael Mayo ang isang samahan ng mga mahigit kumulang 1,300 Persons with Disabilities (PWDs) sa M’lang na kakatapos lamang napuntahan at nasuri ng grupo kung anung particular na technolohiya ang kailangan nila sa pagpapalago ng kanilang proyektong pangkabuhayan. Ayon kay PD Mayo, ang naturang asosasyon ang entry ng opisina sa Grant-in-Aid projects ng DOST XII para sa North Cotabato na agarang sinang-ayunan ni OIC-RD Malawan.

 

Pin It