MENU

 

Tatlumpu’t Apat na Micro Small-Medium Enterprises (MSMEs) na kabilang sa larangan ng paggawa o manufacturing sector sa Rehiyon 12 ang sumailalim sa Data Gathering Activity o Pangangalap ng Datos sa ilalim ng Manufacturing Productivity Extension (MPEX) Program ng DOST 12 noong September 27-October 8, 2021.

 

Ang MPEX ay naglalayong maingat ang produksyon at competitiveness ng mga industriya. Isa lamang ito sa mga programang ipinatutupad ng Consultancy Services, programang kabilang sa Small Enterprises Technology Upgrading Program (SETUP) ng DOST.

 

Sa pamumuno ni Regional Director Engr. Sammy P. Malawan, CESE, pinangunahan ni Ms. Babai K. Tagitican, SRS II bilang focal person ng DOST XII Consultancy Services Program ang pag bisita at pagsagawa ng nasabing aktibidad.

 

Sampung (10) benepisyaryo na nakatanggap ng nasabing programa ay mula sa pinakamalaking lalawigan sa rehiyon, ang North Cotabato na may tatlong distrito. Kabilang dito ang:

 

1. LXYZA HERBAL PRODUCTS TRADING - KIDAPAWAN CITY, COTABATO

2. J&R COMPUTER &ADZ SERVICES - KIDAPAWAN CITY, COTABATO

3. TERESA'S HOMEMADE DELICACIES - KIDAPAWAN CITY, COTABATO

4. DMN FOOD PRODUCTS – MIDSAYAP, COTABATO

5. MARIONE’S KIDAPAWAN DELACACIES – KIDAPAWAN CITY, COTABATO

6. BREADMASTER BAKESHOP - M’LANG, COTABATO

7. PERCHERON MARKETING & GENERAL MERCHANDISING – KIDAPAWAN CITY, COTABATO

8. SJC FOOD PRODUCTS – KIDAPAWAN CITY, COTABATO

9. CHENOY YUMMY TREAT – KIDAPAWAN CITY, COTABATO

10. KAKANIN NI MAMA SISING – KIDAPAWAN CITY, COTABATO

 

Walo naman ang maswerteng nakatanggap ng libreng konsultasyon mula sa Probinsya ng Sultan Kudarat:

 

1. JAM WOOD & BAMBOO CRAFTS FURNITURE SHOP – COLUMBIO, SULTAN KUDARAT

2. ST. JOSEPH CASKET TRADING – TACURONG, SULTAN KUDARAT

3. CLASSIQUE ARTS – TACURONG, SULTAN KUDARAT

4. JM BIÑAS STEEL WORK – TACURONG, SULTAN KUDARAT

5. AGUILOS FURNITURE SHOP & CRATES MAKING – PALIMBANG, SULTAN KUDARAT

6. PALIMBANG ENTERPRENUERS & AGRARIAN REFORM BENEFICIARIES COOPERATIVE – PALIMBANG, SULTAN KUDARAT

7. SEVEN R COFFEE PROCESSING AND GENERAL MERCHANDISE – SEN. NINOY AQUINO, SULTAN KUDARAT

8. ISULAN FREE FARMERS BIOFARMING PRODUCERS COOPERATIVE (CHILI PROCESSING) – ISULAN, SULTAN KUDARAT

 

Mula naman sa Probinsya ng South Cotabato, Walong MSMEs ang nabiyayaan ng programa at ito ay ang:

 

1. JOLASON FARMS ASSOCIATION – SURALLAH, SOUTH COTABATO

2. NORYLAN FOOD PRODUCTS - SURALLAH, SOUTH COTABATO

3. F.M. ART & SIGN – NORALA, SOUTH COTABATO

4. JHB ARCHITECTURAL DESIGN & CONSTRUCTION – NORALA, SOUTH COTABATO

5. GERNIL’S FARM - KORONADAL CITY, SOUTH COTABATO

6. APRIL DELIGHT FOOD PRODUCTS – POLOMOLOK, SOUTH COTABATO

7. BAILYN’S FOOD PRODUCTS – POLOMOLOK, SOUTH COTABATO

8. REMY CHOCOLATE PROCESSING – POLOMOLOK, SOUTH COTABATO

 

Gayun din ang bilang ng mga benepisyaryong nakatanggap ng programa sa probinsya ng Saranggani at General Santos. Kabilang sa mga nakatanggap ay ang:

 

1. DIOMRIE FARMS – KIAMBA, SARANGANI PROVINCE

2. PHILIPPINE CINMIC INDUSTRIAL CORP. – TAMBLER, GENERAL SANTOS CITY

3. T&I KUSTOMAYZ PRINTS – CALUMPANG, GENERAL SANTOS CITY

4. CAPSSS MB FOODS OPC – DADIANGAS NORTH, GENERAL SANTOS CITY

5. ELLYNE’S PASALABONG CENTER – APOPONG, GENERAL SANTOS CITY

6. OWEL TRADING – APOPONG, GENERAL SANTOS CITY

7. CAKES N STYLES – CITY HEIGHTS, GENERAL SANTOS CITY

8. ENRIQUEZ & COROZA FOODS CORP. – CITY HEIGHTS, GENERAL SANTOS CITY

 

Ang naisagawang pangangalap ng datos ang simulaing aktibidad upang maisagawa at maisakatuparan ang MPEX Productivity Improvement Studies sa kabuuang bilang ng mga natukoy na MSMEs. Ang pag-aaral o Productivity Study ay magtatagal ng anim (6) na buwan.

 

Patuloy na magbibigay ang ahensya ng DOST XII ng mga proyekto sa ilalim ng MPEX program nito, para sa pagpapahusay ng mga prayoridad na sector tulad ng Food Processing; Metals and Engineering; Horticulture; Gifts, Decors & Handicrafts; Furniture; Aquatic and Marine; Information & Communications Technology and Health Products & Services.

 

Nitong nakaraang 2020-2021 batch ng MPEX program implementation, ang ahensya ay matagumpay na nakapagbigay ng Productivity Improvement Studies at Konsultasyon sa kabuuang apatnapong (40) MSMEs sa buong Rehiyon 12. Sa programang ito, ang natatanging kailangan ay kooperasyon at suporta ng mga benepesyaryo sa pagbigay ng tamang kasagutan o datos sa mga katanungan upang matagumpay na maisagawa ang proyekto.

 

Kaakibat sa pagpapatupad ng programa ang mga Provincial Directors ng DOST 12 sa apat na sangay nito sa rehiyon: Mr. Michael T. Mayo, Cotabato Province, Ms. Zenaida D. Guiano, Sultan Kudarat, Engr. Mahdali R. Alonto, South Cotabato at For. Nabil Hadji Yassin, Sarangani and General Santos.

 

 

 

 

Pin It

Video Gallery