MENU

 

KIDAPAWAN CITY (18 November 2020) – Malugod na pinaunlakan ni Engr. Sammy Malawan, CESE, OIC – Regional Director ng DOST XII ang paanyaya ni Cong. Rudy Caoagdan, DPA na maibahagi sa publiko sa pamamagitan ng radyo ang pangkalahatang gawain ng ahensya sa rehiyon dose lalong-lalo na sa probinsya ng Cotabato.

 

Kanina sa programa nitong “Dagayday sa Serbisyo ug Kalambuan” pormal na inihayag ni Cong. Caoagdan na bukas ang programa nito sa pagsa himpapawid ng mga proyekto, aktibidades at serbisyo ng DOST XII.

 

Samakatwid, regular na mapapakinggan tuwing biyernes 11:00AM-12NN sa DXKF Radyo Tirada 102.3 Mhz ang mga Resource Persons mula DOST XII na sa katunayan ay nagsimula na sa radyo noong nakaraang biyenes.

 

Lubos ang pasasalamat ni Engr. Malawan sa pinagkaloob na pagkakataon ni Cong. Caoagdan upang mas maipaabot pa sa publiko ang aniya “Syensya alang sa katawhan or Science for the People”.

 

Ikinatuwa din ng butihing Congressman ang pagtanggap ng DOST XII sa alok nito. Aniya, katungkulan nya bilang Representante sa kongreso ang pagsagawa ng “oversight function” nito sa mga ahensya ng gobyerno.

 

Kasama sa naturang programa ng Congressman ang mga Anchor na sina Rey Pagal at Jun Cabiles.

 

Nilinaw ni Engr. Malawan na hindi lamang scholarship ang pinagkakaabalahan ng DOST, bagkus ito ay mismong katuwang ng national government sa countryside development. At hindi lamang hanggang pangkabuhayan, kundi napakalawak ng saklaw nito sa larangan ng Research and Development o R&D na napapakinabangan sa aspeto ng kalusugan, kaayusan at kinabukasan.

 

Nabanggit na halimbawa ni Engr. Malawan ang livelihood technologies o pangkabuhayang teknolohiya na handog ng DOST XII sa mga benepisyaryo nito lalo na sa ilalim ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP).

 

Paliwanag ni Engr. Malawan, hindi lamang hanggang trainings [Food Safety, GMP, HACCP, atbp.] ang pinagkakaloob ng DOST sa mga SETUP beneficiaries nito kundi package of assistance sa pamamagitan ng consultancy services and technical advisory [Agricultural and Manufacturing Productivity, Energy Audit, Cleaner Production Technology, Packaging and Labeling, atbp]. Nagbibigay din ang DOST sa ilalim ng SETUP ng hindi basta kagamitan kundi angkop na teknolohiya o appropriate technology sa pamamagitan ng equipment upang masiguro ang kahusayan at kalidad ng pag proseso ng produkto.

 

Giit ni Anchor Rey Pagal, dapat na pagtuunan ng pansin ang pag proseso ng mga prutas na syang sagana sa probinsya upang hindi masayang. Sinang-ayunan naman ito ni Engr. Malawan na kinumpirmang handa ang DOST XII na magbahagi ng kaalaman at maglipat ng teknolohiyang naaayon sa pangangailangan.

 

Hinimok ni Anchor Jun Cabiles ang publiko na makibahagi sa programa tuwing biyernes at magtanong upang masagot at mapaliwanagan ng DOST XII.

 

Recorded Video : https://www.facebook.com/dxkfradyotirada102.3/videos/793760008023840/

Pin It

Video Gallery