MENU

 

NORTH COTABATO, 25 Feb 2021 - Ikinatuwa ng mga tinaguriang Persons Deprived of Liberty (PDL) and pagtugon ng DOST XII sa kahilingan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)- Kabacan District na mabahagian sila ng pangkabuhayang kaalaman at kasanayan.

"Later on, paglabas ninyo dito, punta kayo sa amin [DOST XII]. We will help you [further]", panghikayat ni Provincial Director Michael Mayo sa mga PDL na kalahok.

 

Sa kabuuang 29 na mga PDL sa naturang bilangguan, siyam (9) ang pinalad na makasali sa pagsasanay sa paggawa ng sabon kalakip ang kaalaman sa Packaging and Labeling.

Naganap ang aktibidad na ito noong ika-23 ng Pebrero 2021 sa Kabacan District Jail.

 

Ayon kay DOST XII Regional Director Engr. Sammy Malawan, nararapat na bigyang pansin ng pamahalaan ang mga PDL, lalong-lalo na yong mga malapit ng makalaya, kinakailangan silang ihanda sa muli nilang pagharap sa lipunan at sa matiwasay na pagbabagong-buhay dahilan sa agarang pag-apruba nito sa aktibidad kung saan ang mga materyales at iba pang gastusin ay sinagot na ng DOST XII- Grant-in-Aid.

 

Pinangunahan ni Mr. Crisostomo Ibarra, Project Development Officer II ng DOST XII ang nasabing pagsasanay sa mga PDL bilang Resource Person kasama na ang aktwal na demonstrasyon sa paggawa ng sabon. Ibinahagi naman ni Mr. Reynel Revilla ang angkop na kaalaman sa Packaging and Labeling.

 

“Maningkamot ta! Magtuon gid kita para mayo ang atong kaugmaon” [Magsikap tayo! Kailangan nating matuto para sa ating magandang kinabukasan], ani Jail Inspector Edneil Capundan sa kanyang mensahe.

 

Dagdag pa ni JInsp.Capundan, umaasa syang hindi ito ang huling tulong ng DOST XII sa mga PDL, bagkus marami pang kasunod. Agad naman itong tinugon ni PD Mayo sabay mungkahi ng pagkakaroon ng mga PDL ng kumikitang kabuhayan na napapaloob sa prayoridad na sektor ng DOST.

 

 

Pin It

Video Gallery