MENU

 

Pinagkalooban ng tulong ng Department of Science and Technology 12 (DOST XII) sa ilalim ng Grant-in-Aid Program nito ang organisadong samahan ng mga Lumads, Muslims at Christians.

 

Naganap ang paglalagda ng Memorandum of Agreement (MOA) kahapon, ika- 19 ng Agosto 2021 sa pagitan ng DOST XII at ng Tri-Peoples Resource Development Services Foundation, Inc.(Tri-People RDSFI) sa mismong pagawaan ng proyekto nitong pottery sa Brgy. New Bohol, Kidapawan City.

 

Kabilang sa mga ibibigay ng DOST XII ay ang innovation system support fund na nakalaan sa mga tukoy na makinarya para sa mas mabilis, sulit at kalidad na produksyon ng Mount Apo Potters Association (MAPA), isang social enterprise ng samahan.

 

Ayon kay DOST XII Regional Director Sammy Malawan, bukod sa angkop na technology-trainings at consultancy services gayun din ng Cleaner Production Technology, makakatulong din ang DOST sa pagpapalawak ng maaabot ng produkto ng Tri-Peoples RDSFI sa merkado sa pamamagitan ng DOST-oneSTore isang online commerce platform para sa mga lokal na produktong dumaan sa pagsusuri ng ahensya at may garantisadong kalidad.

 

Pin It

Video Gallery