MENU

 

Isang kooperatiba ng mga magsasaka ang pinagkalooban ng DOST XII ng tulong sa ilalim ng Grant-in-Aid Program nito upang ma-upgrade ang pasilidad at pag proseso ng produktong palay.

 

 

Pinagtibay ang hangaring ito ng ginanap ang Memorandum of Agreement (MOA) noong ika-19 ng Agosto 2021 sa pagitan ng DOST XII at ng Lower Paatan Multi-Purpose Cooperative (LPMPC) para sa upgrading ng pasilidad nitong rice mill sa Lower Paatan, Kabacan, Cotabato.

 

Ang LPMPC ay may 150 na aktibong miyembro ng mga magsasaka.

 

Kabilang sa mga ibibigay ng DOST XII sa nasabing benepisyaryo ay ang innovation system support fund na nakalaan sa tukoy na makinarya para sa mas mabilis, sulit at kalidad na produksyong bigas.

 

Ayon kay DOST XII Regional Director Sammy Malawan, bibigyan din ang mga miyembo ng kooperatiba ng angkop na technology-trainings at consultancy services gaya ng Manufacturing Productivity Extension (MPEX) Program para sa paglago ng kooperatiba.

 

 

Pin It

Video Gallery