MENU

 

Pormal na ipinagkaloob kanina, ika-18 ng Agosto, sa Barangay Camutan bayan ng Antipas at Barangay Sagcungan ng President Roxas ang mga kagamitang pangkabuhayan at napapanahong panghubog sa kaalaman.

 

Kabilang ang Camutan at Sagcungan sa mga barangay na naunang napabilang sa programang DOST-Community Empowerment through Science and Technology (CEST). Para sa karagdagang impormasyon ukol sa programa, maaari ay bisitahin ang sumusunod na pahina: https://cest.ph/

 

Ilan sa mga nabigay sa naturang barangay ay ang mga sumusunod: Computer-set kung saan nakapaloob na mismo ang DOST-STARBOOKS; mga kagamitan sa paggawa ng sabon at shampoo; gayun din para sa produksyon ng Kalamansi Juice na pwedeng pagkakitaan ng mga residente. Susundan ito ng kaukulang techno-trainings para sa tamang proseso at kalidad na mga produkto.

 

Inaasahang darating pa sa mga nasabing barangay ang marami pang tulong na napapaloob sa iba pang bahagi ng program gaya ng sa pang-kalusugang aspeto at kahandaan sa kalamidad.

 

Lumagda din sa pormal na kasunduan sa ilalim ng DOST-CEST program ang mga sumusunod na komunidad: Panubarang Kulturanhong IP Ancestor Domain Bahani Apo sa Sandawa, Inc. (Tumanding, Arakan); HAGPAT-UMA Farmers' Association (Labuo, President Roxas); at Binay Multi-Sector Peace Builders Association (Binay, Magpet).

 

Kaagapay ng DOST XII sa pagpapatupad ng programang ito ang Arakan Valley Complex Development Board (AVCDB).

 

Kapwa naroon sa ginanap na aktibidad sina DOST XII Regional Director Sammy Malawan, Mayor Egidio Cadungon, Jr. ng Antipas kasama ang ilang Punong Barangay, Mr. Jun Obello bilang Representante ng Gobernador Nancy A. Catamco, mga pangulo ng asosasyon at iba pang opisyales ng pamahalaan.

 

Pin It

Video Gallery