MENU

 

Bilang pagpupugay sa dating tagapamuno ng 39th Infantry Battalion (IB) ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas at pagkilala sa bagong pamunuan nito, pinaunlakan ni DOST XII Regional Director Sammy Malawan ang imbitasyon sa Change of Command Ceremony ng nasabing grupo ng militar sa North Cotabato.

 

Naganap ang pagtitipon kaninang alas-diyes ng umaga, ika- 12 ng Agosto sa 39th IB- 10 ID Headquarters, Poblacion, Makilala.

 

Naging mas makabuluhan ang pagdalo ni RD Malawan nang ihayag nito ang suporta ng DOST XII sa Community Development Projects ng militar na alinsunod sa EO 70 ‘Whole of the Nation Approach’ na layunin ay panatilihing mapayapa, ligtas laban sa pag-aaklas, maunlad at matatag ang mga komunidad.

 

Matatandaang tinugunan ng DOST XII ang naunang kahilingan ng 39th IB na masuri ang naimungkahi nitong barangay sa Tulunan na may 142 na kabahayang nangangailangan ng malinis na sistema ng patubig.

 

Ayon kay RD Malawan, hindi lamang patubig sa pamamagitan ng pagkakaloob ng Ram Pumps ang maaaring ibigay ng DOST XII, kundi pati tulong-pangkabuhayan (DOST-SETUP/ GIA), pasilidad sa paghubog ng kaalaman (DOST-STARBOOKS) at iba pang angkop na science and technology (S&T) interventions.

 

Kasama rin sa nasabing pagtitipon si Gobernador Nancy Catamco na todo rin ang suporta sa DOST XII sa mga programa nito lalo para sa mga Micro-Small and Medium Enterprises (MSMEs) ng probinsya.

 

Hahalinhinan ni LTC Ezra Balagtey sa pamumuno ng 39th IB si LTC Geofrey Carandang na ma-dedistinong mamuno sa ibang kampo ng Philippine Army.

 

Pin It

Video Gallery